EUC Jaguars sinakmal ang BSNHS, 25-9, 25-14.
KUMAMADA ang EUC JAGUARS kontra sa Bukal Sur National High School sa Volleyball Boys, kung saan tuluyan nilang sinelyuhan ang kanilang puwesto sa iskor na 25-9, sa unang engkuwentro, at 25-14 sa pangalawa, sa idinaos na taunang Palarong Bayan, na ginanap sa Candelaria Municipal Covered Court, ngayong umaga, Oktubre 12.
Namata sa mga unang yugto ng bakbakan ang dedikasyon ng dalawang koponan na manalo, ngunit nangibabaw ang nag-aapoy na spikes ng Jaguars kontra sa BSNHS na nagmarka ng agwat na 16 puntos, 25-9.
Nagtangkang humabol ng BSNHS ngunit hindi nila kinayang buwagin ang walang katinag-tinag na puwersa ng kalaban, na nagbigay daan sa EUC na magpatuloy sa sunod na bahagi, 25-14.
Napasakamay nila ang kanilang pagwawagi dahil sa patnubay at gabay ng kanilang coach na si G. Rocel Pabon.
ulat ni Kim Alexa Escamillas | Ang Siklab
litratong kuha ni Clinton Valderas
likhang sining ni Kairo Galarce | Ang Siklab
Comments
test comment