Dinamika: Himig ng mga Guro ng Candelaria
Sa isang pamantasang sumasagisag sa pagkandili ng puti, sa pagsinta ng mas malilim na kulay ng pula, kumakalatwat ang isang tinig—patag, monotono, at tila ‘di-buong ritmo. Ano ang dapat upang itong tinig ay hindi manatiling tinig kundi tuluyang maging himig?
๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฌ๐ข.
Ang ika-4 ng Oktubre ay kinulayan ng isang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa mga humuhubog ng isipan at kumakalinga sa mga puso kung saan nakaukit ang karunungan—ang mga guro sa bayan ng Candelaria.
“Kung monotonous na ‘yung trabaho ng teachers, Monday to Friday trabaho, at least ngayong araw, nabigyan sila ng pahinga,” pahayag ni G. Jonathan Villaruz, punong-guro ng sekondarya.
Diwa ng pagkakaisa ang siyang binuhay sa pangunguna ng Candelaria Quezon People Council (CQPC) na binigyang suporta nina Dra. Helen Tan, Dr. Kim Tan, Hon. Ogie Suayan, at mga miyembro ng Candelaria West Teachers Association (CANDWESTA), Candelaria East District School Personnel Association (CEDSPA), at Candelaria Private Schools Association (CAPRISA).
Ang sikhay at sikap ng mga guro, nakakubli man o hindi, ay kinilala sa pamamagitan ng iba’t ibang pagpapahayag: harana, tula, sayaw at dula ng iba’t ibang pinuno ng paaralan, pagrampa sa entablado ng mga respetadong guro, at paggawad sa kanilang katangi-tanging kahusayan.
๐๐ข๐ถ๐ญ๐ช๐ต-๐ถ๐ญ๐ช๐ต…
๐๐ช๐ด๐ข…
๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ฃ๐ข?
Hindi napapaligiran ng mga salitang ito ang tunay na depinisyon ng pamamahalang may nakawiwiling harmoniya. Dinamika, saya, pahinga—piyesa upang ang isang tinig ay siya nang maging himig.
ulat ni Mica Umandap | Ang Siklab
mga litratong kuha nina Biatriz Soriano, Sophia Tacob, Mica Umandap, at Kairo Galarce | Ang Siklab
Comments