PINAGPAG ng EUC Jaguars ang TLMII Crusaders

Umarangkada ang Jaguars nang kumana sila ng siyam na puntos na kalamangan sa unang kwarter pa lamang ng bakbakan, pinangunahan ni Rodriguez na nagtala ng siyam na puntos, 20-11.
Humugot ng mabagsik na siyam na puntos si Kyle De Chavez na hindi kayang masuklian ng Crusaders sa ikalawang yugto ng laban, na nagbigay-daan upang mailagay nila ang kanilang koponan sa komportableng lamang, 37-21.
Ipinamalas ng buong grupo ng EUC ang kanilang talas sa parehas na dulo ng entablado nang isang beses lamang nilang pinabutas ang TLMII habang tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagdomina sa opensa sa buong ikatlong bahagi ng laro, 64-23.
Ipinako ng Jaguars ang Crusaders nang nagpakitang gilas si Calleja na bumanat ng siyam na puntos gamit ang kanyang madulas na pag-atake sa huling bahagi ng laban, na tuluyan nang ibinanat ang kanilang pagkaagwat sa 60 na puntos, 85-25.
ulat ni Terence Miguel Aro | Ang Siklab
mga litratong kuha nina Ainsley Tiffany Alcantara at Terence Miguel Aro | Ang Siklab
Comments