News: Junior Highschool Intramurals 2024 "Unleash the Champion Within"

Junior Highschool Intramurals 2024 "Unleash the Champion Within"

Published on: August 25, 2024 Last Updated: August 29, 2025
News By The Blaze 80 views
 Junior Highschool Intramurals 2024 "Unleash the Champion Within"


𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | Idinaraos ang pambungad ng Junior Highschool Intramurals 2024 na may temang "Unleash the Champion Within," kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga manlalaro na ipamalas ang kanilang husay at lakas sa EUC Gymnasium, ika-11 ng Setyembre.



Sinimulan ang seremonya sa isang makulay na parada ng mga delegado, na pinangunahan ng bawat manlalaro mula sa iba't ibang koponan. Pagkatapos nito, sama-samang inawit ang pambansang awit at himno ng unibersidad.



Ibinigay ang panimulang pagbati si Gng. Elenita C. Marquez, na sinundan ng isang espesyal na mensahe mula kay Ikalawang Punong-guro G. Philip C. Dimaculangan at Punong-guro G. Jonathan D. Villaruz. Ibinigay rin ng Dekana ng Pag-aaral si Dr. Crystal B. Quintana ang isang inspirasyonal na mensahe.



Nagdala naman ng masigabong sigawan at palakpakan ang raising of pennants na isinagawa ng mga escort at muse ng bawat koponan, katulad din nito ang releasing of balloons na pinakawalan ng mga Chief Adviser ng bawat lebel.



Ang seremonya ay tinampukan ng lighting of torch na pinangunahan nina Aloha Gelizon at Rylee Marasigan. Pagkatapos nito, sumumpa ang mga atleta sa oath of amateurism na pinangunahan ni Jhovelle Cardino. Nagbigay naman ng mensahe si Dr. Crystal B. Quintana upang pormal na buksan ang palaro.



Tinuldukan naman ito ng intermission number na ipinresenta ng mga bagong kaanib na mga maestro at maestra.



ulat ni Terence Razon Aro | Ang Siklab

mga litratong kuha nina Ikiel Villanueva, Queen Ashly Dellosa, Biatriz Soriano, Kyle Yago, at Adrian Javid | Ang Siklab

Comments